Rösti
Ibang tawag | Potato Pancakes (Akadiong putahe) |
---|---|
Uri | Pamutat |
Lugar | Suwisa |
Rehiyon o bansa | Kanton ng Bern |
Pangunahing Sangkap | Mga patatas, mantikilya or iba pang mantika |
|
Ang rösti o rööschti (Alemanikong Aleman: [ˈrøːʃti]) ay isang putaheng Suwiso na binubuo ng mga patatas, sa mala-maruyang estilo. Dating pang-agahan ito na karaniwang kinakain ng mga magsasaka sa kanton ng Bern, ngunit ngayon, kinakain na ito sa buong Suwisa at sa buong mundo. Ang Pransesang pangalan röstis bernois ay direktang tumukoy sa mga pinagmulan ng putahe.
Itinuturing ng maraming Suwiso na isang pambansang bandehado ang rösti. Sa halip na isaalang-alang ito bilang kumpletong almusal, mas madalas na inihahain ito kasama ng ibang putahe tulad ng Spinat und Spiegelei (espinaka at pritong itlog), cervelas o Fleischkäse. Karaniwang mahahanap ito sa mga Suwesang restawran bilang kapalit sa karaniwang pamutat ng isang bandehado.[kailangan ng sanggunian]
Paghahanda
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga putaheng Rösti ay gawa sa magaspang na ginagadgad na patatas, niluto man o hilaw. Sinasangkutsa o ginagadgad na hilaw ang mga patatas. Depende kung paano ito piniprito, maaaring idagdag ang mantika, mantikilya o iba pang taba (at asin at paminta rin sa kadalasan). Karaniwan din na iprito ang gadgad na patatas nang walang idinaragdag na mantika. Hinuhugis ang mga gadgad na patatas para maging bilog o mala-patty na karaniwang may sukat ng mga 3–12 cm (1 hanggang 5 pulgada) sa diyametro at 1-2 cm (0.5 pulgada) sa kapal. Madalas na piniprito ang Rösti sa kawali at hinuhugis dito habang niluluto, ngunit maaari rin silang lutuin sa hurno. Bagaman binubuo ang basikong rösti ng walang anuman kundi patatas, dinaragdagan ito minsan ng mga karagdagang sangkap, tulad ng bacon, sibuyas, keso, mansanas o sariwang yerba. Ito ay karaniwang itinuturing bilang pagtatanging rehiyonal.
Epekto sa kalinangan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa Suwisang tanyag na etos-kalinangan, madalas na kinakain ang rösti sa mga rehiyong nagsasalita ng Aleman, bagaman mahahanap din ito sa mga ibang dako ng bansa. Inilalarawan ang mga putaheng Rösti bilang isang estereotipikal na bahagi ng kulturang Suwisa-Aleman taliwas sa kultura ng Latin. Samakatuwid, ang heograpikong hangganan na naghihiwalay sa mga bahagi ng nagsasalita ng Pranses at Aleman sa bansa ay karaniwang tinutukoy bilang Röstigraben: literal na "bambang rösti".
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Hash brown
- Latke, isang Gitnang/Silangang Europang at Huydong gadgad na patatas at pankeyk na itlog
- Lutuing taga-Liechtenstein
- Patatnik, Bulgarong putahe na gawa sa patatas mula sa Bulubunduking Rhodope
- Tortilla de patatas, ang tortang patatas ng Espanya