Pumunta sa nilalaman

Yasser Arafat

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tumuturo dito ang Yasir Arafat, para sa manlalaro ng kriket tingnan ang Yasir Arafat (manlalaro ng kriket).
ياسر عرفات
Yasser Arafat
(Yāsir `Arafāt)
Kunya: Abu `Ammar (أبو عمّار‎; 'Abū `Ammār)
Unang Pangulo ng Pambansang Awtoridad ng Palestina
Nasa puwesto
20 Enero 1996 – 11 Nobyembre 2004
Punong MinistroMahmoud Abbas
Ahmed Qurei
Sinundan niRawhi Fattuh (pansamantala)
Mahmoud Abbas
Personal na detalye
Isinilang24 Agosto 1929(1929-08-24)
Cairo, Ehipto[1]
Yumao11 Nobyembre 2004(2004-11-11) (edad 75)
Paris, Pransiya
KabansaanPalestino
Partidong pampolitikaFatah
AsawaSuha Arafat
AnakZahwa Arafat

Si Mohammed Abdel Rahman Abdel Raouf Arafat al-Qudwa al-Husseini (محمد عبد الرحمن عبد الرؤوف عرفات القدوة الحسيني‎) (24 Agosto 1929 – 11 Nobyembre 2004), na mas kilala bilang Yasser Arafat o sa kanyang kunya o pamagat bilang panganay na anak: Abu Ammar, ay isang pinunong Palestino. Siya ang kapitan ng Organisasyon ng Liberasyong Palestino, at Pangulo ng Palestinong Pambansang Awtoridad,[2] at pinuno ng partidong pampolitika na Fatah, na binuo niya noong 1959.[3] Itinuon halos lahat ni Arafat ang kanyang buhay sa pakikipaglaban sa Israel sa para sa Palestino. Dati siyang tutol sa pagbuo ng Israel, subalit binago niya ang kanyang posisyon noong 1988 nang tinanggap niya ang UN Security Council Resolution 242.

Si Arafat at ang kanyang kilusan ay kumikilos sa iba't ibang mga bansang Arabo. Noong huling bahagi ng 1960 at unang bahagi ng dekada 70, Ang Fatah ay nilabanan ng Jordan sa isang maikling digmaang sibil. Napaalis sila sa Jordan at nagtungo sa Lebanon, Si Arafat ay ang Fatah ay ang pangunahing target ng pananakop ng Israel noong 1978 at 1982 sa bansang iyon. Samantalang ang karamihan sa mga Palestino, kahit ano pa ang kanilang ideolohiyang pampolitika o paksiyon, ay tinitingnan nila siya bilang tagapaglaban ng kanilang kalayaan at isang martir na nagsasagisag sa kanilang pambansang aspirasyon, subalit maraming mga Israeli naman ay nilalarawan siya bilang isang terorista dahil sa dami ng mga atake ng kanyang paksiyon sa mga sibilyan.[4]

Sa huling bahagi ng kanyang karera, sumali si Arafat sa serye ng mga negosasyon kasama ang pamahalaan ng Israel para matigil na ang mahabang labanan sa pagitan ng Israel at PLO. Ito ay kinabibilangan ng Madrid Conference of 1991, ang 1993 Oslo Accords at ang 2000 Camp David Summit. Ang kanyang mga katunggali sa politika, kasama ang mga Islamista at ilang makakaliwang PLO, ay inaakusahan siyang bilang isang korap o masyadong masunurin sa mga sinasabi ng pamahalaang Israeli. Noong 1994, nakatanggap si Arafat ng Gantimpalang Nobel sa Kapayapaan, kasama si Yitzhak Rabin at Shimon Peres, para sa negosasyon sa Oslo. Sa mga panahong ito, ang Hamas at ang iba pang mga militanteng organisasyon ay umangat sa kapangyarihan at sinira ang pundasyon ng otoridad ng Fatah sa ilalim ni Arafat na binuo sa mga teritoryong Palestino.

Noong huling bahagi ng 2004, pagkatapos ng epektibong pagkakakulong sa kanyang Ramallah Compound ng mahigit dalawang taon ng sandatahang Israeli, nagkasakit si Arafat at na-coma. Samantalang ang tumpak na dahilan ng pagkamatay ay nanatiling hindi pa alam, ang mga doktor ay nagsabi na ang kanyang ikinamatay ay idiopathic thrombocytopenic purpura at cirrhosis, subalit walang otopsiyang naganap. Si Arafat ay namatay noong 11 Nobyembre 2004 sa edad na 75.

Ang orihinal na buong pangalan ni Arafat ay Mohammed Abdel Rahman Abdel Raouf Arafat al-Qudwa al-Husseini. Mohammed Abdel Rahman ang kanyang unang pangalan. Abdel Raouf ang pangalan ng kanyang ama at Arafat naman ang sa kanyang lolo. Ang Al-Qudwa naman ay ang pangalang ng kanyang tribo at al -Husseini ay ang pangalan ng kanyang angkan kung saan kasama ang al-Qudwa. Ang mga al-Husseini ay mula sa Gaza at hindi dapat malito sa tanyag, ngunit walang kaugnayan, sa angkang al-Husayni ng Jerusalem.

Dahil si Arafat ay pinalaki sa Cairo, ang tradisyon na alisin ang Mohammed o Ahmad na bahagi ng pangalan ay pambalana; ang mga kilalang Ehipsiyong tulad nina Anwar Sadat at Hosni Mubara ay inalis din ang kanilang unang mga pangalan. Subalit, inalis din ni Arafat ang Abdel Rahman at Adbel Raouf na bahagi ng kanyang pangalan. Noong unang bahagi ng dekada 50, ginamit ni Arafat ang pangalang Yasser, at sa unang bahagi ng pagiging gerilya ni Arafat, ginamit niya bilang nom de guerre na Abu Ammar. Ang parehong pangalan ay may kaugnayan kay Ammar ibn Yasir, isa sa mga unang tagasunod ni Muhammad. Datapwat inalis niya ang karamihan sa mana niyang pangalan, iniwan niya ang Arafat dahil sa kahalagan nito sa islam.[5]

  1. Hindi tiyak; Pinagtatalunan; Karamihan sa mga sanggunian kabilang sina Tony Walker, Andrew Gowers, Alan Hart at Said K. Aburish ang nagsasabing Cairo ang pook ng kapanganakan ni Arafat, subalit may mga ibang nagtatalang Herusalem o Gaza. Tingnan ito at dito para sa mas maraming impormasyon. Mga mga naniniwalang ding ang pinagsilangan niyang Herusalem ay isang tsismis na gawa-gawa lamang ng KGB. Tingnan din rito.
  2. May ilang mga sanggunian ang gumagamit ng Tagapangulo o Tagapangasiwa sa halip na Pangulo; pareho ang salitang gamit sa wikang Arabe para sa dalawang pamagat. Tingnan ang Pangulo ng Palestinong Pambansang Awtoridad para sa mas maraming impormasyon.
  3. Aburish, Said K. (1998). From Defender to Dictator. New York: Bloomsbury Publishing. pp. 33–67. ISBN 1-58234-049-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Ayon kay Aburish, ang petsa ng pagtatatag ng Fatah ay malabo subalit sinasabing ibinunyag ito ng sariling magasin noong 1959.
    Zeev Schiff, Raphael Rothstein (1972). Fedayeen; Guerillas Against Israel. McKay, p.58; Sinasabi nina Schiff at Rothstein na itinatag ang Fatah noong 1959.
    Ayon kina Salah Khalaf at Khalil al-Wazir naganap ang unang opisyal na pagpupulong ng Fatah noong Oktubre 1959. Tingnan ang Anat N. Kurz (2005) Fatah and the Politics of Violence: The Institutionalization of a Popular Struggle. Brighton, Portland: Sussex Academic Press (Jaffee Centre for Strategic Studies), pp.29-30
  4. Hockstader, Lee (2004-11-11). "A Dreamer Who Forced His Cause Onto World Stage". Washington Post Foreign Service. The Washington Post Company. Nakuha noong 2007-10-31. {{cite news}}: Check date values in: |date= (tulong)
  5. Aburish, Said K. (1998). From Defender to Dictator. New York: Bloomsbury Publishing. pp. 31–32. ISBN 1-58234-049-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
May koleksyon ng mga sipi ang Wikiquote sa Ingles tungkol sa paksa ng artikulong ito.