Uterine fibroid
Uterine fibroid | |
---|---|
Uterine fibroid | |
Espesyalidad | Onkolohiya |
Ang myoma sa matris o uterine fibroid (tinatawag ding myoma uteri, uterine leiomyoma, myoma, fibromyoma, o fibroleiomyoma) ay isang uri ng myoma o mga bukul-bukol na lumilitaw sa matris ng babae (sinapupunan, bahay-bata), partikular na habang nasa panahon ng mga taon na maaaring silang magdalangtao. Sa kasalukuyan, ipinapalagay ng mga dalubhasa sa medisina na ang myoma sa matris ay maaaring dahil sa henetika at mga hormona. Bagaman hindi ito isang uri ng kanser at hindi rin nakamamatay na karamdaman, ang babaeng mayroon nito ay maaaaring makadama ng pananakit o pagkirot ng puson at pagbabago sa panahon ng pagdating ng regla; bagaman, sa kadalasan, walang mga sintomas na nararanasan ang babaeng mayroon nito. Nababawasan ang pagkakataon na magkaroon ng myoma sa matris kapag dati nang nakapagdalangtao ang isang babae. Nakapagpapababa rin ng tiyansa ng pagkakaroon ng myoma sa matris ang paggamit ng mga pill na tinatawag na combined oral contraceptive pill (COCP), mga pildoras na nakapagpipigil ng pagbubuntis o ng pag-aanak.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Panggagamot ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.