Ang platino[4][5] o platinum[4][5] (Kastila: platino, Ingles: platinum,daglat o sagisag = Pt) ay isang uri ng mala-pilak na elementong may mga katangiang maaaring mabatak, mapukpok, at hindi kinakalawang. Kalimitan itong ginagamit para sa paggawa ng mga kasangkapang elektroniko, mga alahas, at mga pampasta para sa mga ngiping may sira o bukbok. Natuklasan ito ni Antonio de Ulloa, kasama si Jorge Juan y Santacilia noong 1735. Kabilang sa mga katangian nito ang pagkakaroon ng atomikong bilang na 78, ng pamantayang atomikong timbang na 195.09, antas o degri ng pagkatunaw na 1,769oC, antas o degri ng pagkulo 3,827oC, at tiyak na kalubhaan (tiyak na dagsin o espesipikong grabedad) na 21.45.
↑Weast, Robert (1984). CRC, Handbook of Chemistry and Physics. Boca Raton, Florida: Chemical Rubber Company Publishing. pp. E110. ISBN0-8493-0464-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)