Pier Luigi Nervi
Si Pier Luigi Nervi (21 Hunyo 1891 - 9 Enero 1979) ay isang Italyanong inhinyero at arkitekto. Nag-aral siya sa Pamantasan ng Bologna at nakatanggap ng kuwalipikasyon noong 1913. Nagturo si Dr. Nervi bilang isang propesor ng inhinyeriya sa Pamantasan ng Roma mula 1946 hanggang 1961. Kilala siya dahil sa kanyang karunungan at kagalingan bilang isang inhinyerong pang-istruktura at dahil sa kanyang makabagong paggamit ng prepabrikadong pinatibay na kongkreto.[1]
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak siya sa Sondrio, Italya.[1]
Mga nagawa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kabilang sa mga naging pananda ng kanyang nagawa bilang isang arkitekto ang mga bulwagan, mga aerodroma, at palasyong pampalakasan na may mga balantok, mga kurba, at mga kisameng parang mga sapot. Kabilang sa kanyang mga nagawa ang gusali ng UNESCO sa Paris, Pransiya at ang Bulwagang Pang-ekshibisyon sa Turino, Italya.[1]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 "Pier Luigi Nervi". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa N, pahina 438.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Italya at Inhenyeriya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.