Pambansang Unibersidad ng Singapore
Ang Pambansang Unibersidad ng Singapore (Ingles: National University of Singapore), na kilala din bilang NUS, ay isang may-awtonomiyang pampublikong unibersidad sa pananaliksik sa Singapore. Itinatag noong 1905, ito ay ang pinakamatandang institusyon ng mas mataas na pag-aaral sa buong bansa, pati na rin ang pinakamalaki.
Ang NUS ay konsistent na niranggo bilang isa sa nangunguna sa Asya, ayon sa QS World University Rankings at Times Higher Education World University Rankings, kung saan ang NUS ay nananatili sa posisyon nito bilang una ng sa Asya.[1] Bukod pa rito, ayon sa 2014 US News & World Report ay kinikilala ang pamantasan sa hanay ng Best Global Universities[2]
Ang pangunahing kampus ng NUS ay matatagpuan sa Timog-Kanlurang Singapore katabi ng Kent Ridge, na may eryang 150 ektarya (0.58 mi kuw).[3] Sa Bukit Timah campus naman matatagpuan ang Fakultad ng Batas, Lee Kuan Yew Paaralan ng Pampublikong Polisiya at mga surian sa pananaliksik, habang ang Duke-NUS Graduate Medical School sa Singapore ay matatagpuan sa Outram campus.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "QS World University Rankings 2015". Top Universities. Nakuha noong 15 Setyembre 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ US News Best Global Universities Rankings
- ↑ "History". Nakuha noong 2016-04-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]