Pumunta sa nilalaman

Susuman

Mga koordinado: 62°47′N 148°10′E / 62.783°N 148.167°E / 62.783; 148.167
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Susuman

Сусуман
Tanawin ng kabayanan ng Susuman
Tanawin ng kabayanan ng Susuman
Watawat ng Susuman
Watawat
Eskudo de armas ng Susuman
Eskudo de armas
Lokasyon ng Susuman
Map
Susuman is located in Russia
Susuman
Susuman
Lokasyon ng Susuman
Susuman is located in Magadan Oblast
Susuman
Susuman
Susuman (Magadan Oblast)
Mga koordinado: 62°47′N 148°10′E / 62.783°N 148.167°E / 62.783; 148.167
BansaRusya
Kasakupang pederalMagadan Oblast[1]
Distritong administratiboSusumansky District[1]
Itinatag1936
Katayuang lungsod mula noong1964
Lawak
 • Kabuuan28 km2 (11 milya kuwadrado)
Taas
650 m (2,130 tal)
Populasyon
 (Senso noong 2010)[2]
 • Kabuuan5,855
 • Kapal210/km2 (540/milya kuwadrado)
 • Kabisera ngSusumansky District[1]
 • Distritong munisipalSusumansky Municipal District[3]
 • Urbanong kapookanSusuman Urban Settlement[3]
 • Kabisera ngSusumansky Municipal District[4], Susuman Urban Settlement[3]
Sona ng orasUTC+11 ([5])
(Mga) kodigong postal[6]
686314
(Mga) kodigong pantawag+7 41345
OKTMO ID44713000001
Websaytmagadan.ru/ru/municipal/rnsusuman/susuman.html

Ang Susuman (Ruso: Сусума́н) ay isang lungsod at ang sentrong pampangasiwaan ng Distrito ng Susumansky sa Magadan Oblast, dulong-silangang bahagi ng Rusya. Matatagpuan ito sa Ilog Berelyokh, 650 kilometro (400 milya) hilagang-kanluran ng Magadan, ang sentrong pampangasiwaan ng oblast. Populasyon: 5,855 (Senso 2010);[2] 7,833 (Senso 2002);[7] 16,818 (Senso 1989).[8]

Itinatag ang Susuman noong 1936 bilang isang pamayanan ng isang sovkhoz na tinawag na Susuman, na mula sa kalapit na ilog na may kaparehong pangalan.[kailangan ng sanggunian] Noong 1938, higit na pinalawak ang pamayanan upang maging sentro ng pagmimina ng ginto sa kanlurang bahagi ng kasalukuyang Magadan Oblast sa ilalim ng pamamahala ng Dalstroy. Malakihang nakadepende ang mga gawaing industriyal sa rehiyon (tulad ng pagmimina ng ginto) sa mga corrective labor camp ng sistemang Gulag, kasama ang isang malaking bilang na nagpapatakbo sa lugar ng Susuman. Mula 1949 hanggang 1956, ang Susuman ay base para sa isa sa mga pinakamalaking corrective labor camp ng Unyong Sobyet, ang Zaplag ng programang Dalstroy. Sa panahong ito, umaabot sa 16,500 bilanggo ang itinago sa mga kampo.

Binigyan ng pambayan na katayuan ang Susuman noong 1964.[kailangan ng sanggunian]

Sa panahong kasunod ng Unyong Sobyet, bumaba ang populasyon ng lungsod mula sa mga 18,000 katao noong 1991, pababa sa 5,855 katao magmula noong senso 2010.

Matatagpuan ang lungsod sa rehiyong Kolyma malapit sa tagpuan ng Ilog Susuman at Ilog Berelyokh. Nakapuwesto ang lungsod sa M56 Kolyma Highway, isang hindi-nakaaspalto na daan na kadalasang kilala bilang "Daan ng mga Buto" ("Road of the Bones"), na nag-uugnay ng Yakutsk sa Magadan.

Malakihang nakadepende ang ekonomiya ng lungsod sa katayuan nito bilang isa sa mga sentro ng pagmimina ng ginto sa rehiyon.

Dating pinaglilingkuran ito ng Paliparan ng Susuman na ginawa ngayong monasteryo at simbahang Russian Orthodox.

Historical population
TaonPop.±%
1959 13,310—    
1970 12,643−5.0%
1979 16,025+26.7%
1989 16,818+4.9%
2002 7,833−53.4%
2010 5,855−25.3%
Senso 2010: [2]; Senso 2002: [9]; Senso 1989: [10]

Ang Susuman ay may matinding tuyong-taglamig na klimang subartiko (Koppen climate classification Dwd/Dwc), na may lubhang maginaw at tuyong taglamig at maigsi ngunit banayad na tag-init. Isa ito sa mga pinakamalamig na tinitirhang pamayanan sa mundo, na may taun-taon na tamtamang temperatura na −12.5 °C (9.5 °F)

Datos ng klima para sa Susuman (1937-2012)
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taon
Sukdulang taas °S (°P) −5.2
(22.6)
−5.2
(22.6)
0.2
(32.4)
12.1
(53.8)
26.1
(79)
32.0
(89.6)
35.0
(95)
33.0
(91.4)
24.4
(75.9)
11.3
(52.3)
2.1
(35.8)
−1.6
(29.1)
35
(95)
Katamtamang taas °S (°P) −33.7
(−28.7)
−28.2
(−18.8)
−17.6
(0.3)
−4.9
(23.2)
8.0
(46.4)
18.6
(65.5)
21.2
(70.2)
17.7
(63.9)
8.7
(47.7)
−8
(18)
−25.2
(−13.4)
−33.6
(−28.5)
−6.4
(20.5)
Arawang tamtaman °S (°P) −37.9
(−36.2)
−33.6
(−28.5)
−25.4
(−13.7)
−12.7
(9.1)
1.9
(35.4)
11.2
(52.2)
13.9
(57)
10.6
(51.1)
2.8
(37)
−13.6
(7.5)
−29.7
(−21.5)
−37.5
(−35.5)
−12.5
(9.49)
Katamtamang baba °S (°P) −42.1
(−43.8)
−39
(−38)
−33.1
(−27.6)
−20.5
(−4.9)
−4.3
(24.3)
3.8
(38.8)
6.5
(43.7)
3.4
(38.1)
−3.2
(26.2)
−19.2
(−2.6)
−34.2
(−29.6)
−41.4
(−42.5)
−18.6
(−1.5)
Sukdulang baba °S (°P) −60.6
(−77.1)
−59.9
(−75.8)
−53.7
(−64.7)
−44
(−47)
−27.5
(−17.5)
−8.8
(16.2)
−4.1
(24.6)
−11.1
(12)
−24.3
(−11.7)
−44.7
(−48.5)
−53.8
(−64.8)
−58.5
(−73.3)
−60.6
(−77.1)
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) 9.0
(0.354)
7.2
(0.283)
4.3
(0.169)
5.8
(0.228)
13.7
(0.539)
44.6
(1.756)
58.3
(2.295)
58.5
(2.303)
30.6
(1.205)
16.5
(0.65)
11.6
(0.457)
10.7
(0.421)
270.8
(10.66)
Araw ng katamtamang presipitasyon (≥ 0.1 mm) 13.9 11.8 8.1 6.1 7.4 12.7 13.7 13.2 10.2 11.6 13.5 13.1 135.3
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw 20 89 213 283 273 291 274 223 152 132 53 10 2,013
Sanggunian: climatebase.ru (1937-2012)[11]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Law #1292-OZ
  2. 2.0 2.1 2.2 Russian Federal State Statistics Service (2011). "Всероссийская перепись населения 2010 года. Том 1" [2010 All-Russian Population Census, vol. 1]. Всероссийская перепись населения 2010 года [2010 All-Russia Population Census] (sa wikang Ruso). Russian Federal State Statistics Service. {{cite web}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 Law #512-OZ
  4. Law #511-OZ
  5. "Об исчислении времени". Официальный интернет-портал правовой информации (sa wikang Ruso). 3 Hunyo 2011. Nakuha noong 19 Enero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Почта России. Информационно-вычислительный центр ОАСУ РПО. (Russian Post). Поиск объектов почтовой связи (Postal Objects Search) (sa Ruso)
  7. Russian Federal State Statistics Service (21 Mayo 2004). "Численность населения России, субъектов Российской Федерации в составе федеральных округов, районов, городских поселений, сельских населённых пунктов – районных центров и сельских населённых пунктов с населением 3 тысячи и более человек" [Population of Russia, Its Federal Districts, Federal Subjects, Districts, Urban Localities, Rural Localities—Administrative Centers, and Rural Localities with Population of Over 3,000] (XLS). Всероссийская перепись населения 2002 года [All-Russia Population Census of 2002] (sa wikang Ruso). {{cite web}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Всесоюзная перепись населения 1989 г. Численность наличного населения союзных и автономных республик, автономных областей и округов, краёв, областей, районов, городских поселений и сёл-райцентров" [All Union Population Census of 1989: Present Population of Union and Autonomous Republics, Autonomous Oblasts and Okrugs, Krais, Oblasts, Districts, Urban Settlements, and Villages Serving as District Administrative Centers]. Всесоюзная перепись населения 1989 года [All-Union Population Census of 1989] (sa wikang Ruso). Институт демографии Национального исследовательского университета: Высшая школа экономики [Institute of Demography at the National Research University: Higher School of Economics]. 1989 – sa pamamagitan ni/ng Demoscope Weekly. {{cite web}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Russian Federal State Statistics Service (21 Mayo 2004). "Численность населения России, субъектов Российской Федерации в составе федеральных округов, районов, городских поселений, сельских населённых пунктов – районных центров и сельских населённых пунктов с населением 3 тысячи и более человек" [Population of Russia, Its Federal Districts, Federal Subjects, Districts, Urban Localities, Rural Localities—Administrative Centers, and Rural Localities with Population of Over 3,000] (XLS). Всероссийская перепись населения 2002 года [All-Russia Population Census of 2002] (sa wikang Ruso). {{cite web}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Всесоюзная перепись населения 1989 г. Численность наличного населения союзных и автономных республик, автономных областей и округов, краёв, областей, районов, городских поселений и сёл-райцентров" [All Union Population Census of 1989: Present Population of Union and Autonomous Republics, Autonomous Oblasts and Okrugs, Krais, Oblasts, Districts, Urban Settlements, and Villages Serving as District Administrative Centers]. Всесоюзная перепись населения 1989 года [All-Union Population Census of 1989] (sa wikang Ruso). Институт демографии Национального исследовательского университета: Высшая школа экономики [Institute of Demography at the National Research University: Higher School of Economics]. 1989 – sa pamamagitan ni/ng Demoscope Weekly. {{cite web}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "climatebase.ru" (sa wikang Ruso). Nakuha noong Pebrero 15, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga pinagkunan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]