Sakuna sa Chernobyl
Naganap noong ika-26 ng Aribl, 1986 ang Sakuna sa Chernobyl (Ukranyo: Чорнобильська катастрофа, Chornobylska Katastrofa; tinatawag rin bilang Chernobyl o ang aksidente sa Chernobyl) sa Plantang Nuklear na Pangkuryente ng Chernobyl sa Ukraine, na nasa ilalim ng pamamahala ng Unyong Sobyet. Isang pagsabog at sunog na dulot nito ang naglabas ng malaking bilang ng alikabok na radyaaktibo sa hangin, na kumalat sa USSR at Europa.
Ang sakuna sa Chernobyl ang pinakamalalang aksidente sa kasaysayan ayon sa gastos at bilang ng mga namatay, at isa sa dalawa lamang sa mga aksidenteng nukleyar na inuri bilang Level 7 ayon sa International Nuclear Event Scale. [1] Mahigit sa limangdaang libong "liquidators" ang sumali at umabot ng 18 bilyong rubles and nagastos ng pamahalaan ng Unyong Sovbyet upang matigil ang pagkalat ng radyasyon at ang mas malaking sakunang maaaring mangyari. [2] 31 katao ang namatay dahil sa aksidente sa panahon na ito ay hindi pa nakokontrol. Pinagaaralan pa rin hanggang sa ngayon ang epekto ng aksidente katulad ng pagtaas ng mga kaso ng cancer sa lugar na malapit sa Chernobyl.
Epekto sa Ekonomiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon kay Mikhail Gorbachev, umabot ng 18 bilyong ruble (katumbas ng 18 bilyong dolyar) ang nagastos ng Unyong Sobyet sa paglilinis at pag-aayos ng pinsala na dulot ng sakuna. Tinatayang umaabot ng 235 bilyong dolyar ang naging gastos nito sa Belarus, samantalang mula 5 hanggang 7 porsyento ng gastos ng pamahalaan ng Ukraine dahil sa sakuna sa ngayon. Karamihan ng gastos dahil sa sakuna ay para sa mga benepisyo ng 7 milyong kataong naapektuhan ng sakuna sa tatlong bansa.
- ↑ Black, Richard (12 Abril 2011). "Fukushima: As Bad as Chernobyl?". BBC. Nakuha noong 20 Agosto 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gorbachev, Mikhail (1996), interview in Johnson, Thomas, The Battle of Chernobyl sa YouTube, [film], Discovery Channel, retrieved 19 February 2014.