Pumunta sa nilalaman

Miss World 1993

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Miss World 1993
Lisa Hanna
Petsa27 Nobyembre 1993
Presenters
  • Pierce Brosnan
  • Doreen Morris
  • Gina Tolleson
  • Kim Alexis
PinagdausanSun City Entertainment Center, Sun City, Timog Aprika
Brodkaster
Lumahok81
Placements10
Bagong sali
  • Eslobakya
  • Litwanya
  • Republikang Tseko
Hindi sumali
  • Czechoslovakia
  • Lupanglunti
  • Peru
  • Rumanya
  • Sambia
  • Seykelas
  • Ukranya
  • Unggarya
Bumalik
  • Honduras
  • Simbabwe
NanaloLisa Hanna
Jamaica Hamayka
PersonalityCharlotte Als
Denmark Dinamarka
Pinakamahusay na Pambansang KasuotanKarminder Kaur-Virk
India Indiya
PhotogenicBarbara Chiappini
 Italya
← 1992
1994 →

Ang Miss World 1993 ang ika-43 na edisyon ng Miss World pageant, na ginanap noong 27 Nobyembre 1993 sa Sun City Entertainment Center sa Sun City, Timog Aprika.

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Julia Kourotchkina ng Rusya si Lisa Hanna bilang Miss World 1993. Ito ang ikatlong beses na nanalo ang Hamayka bilang Miss World. Nagtapos bilang first runner-up si Palesa Mofokeng ng Timog Aprika, habang nagtapos bilang second runner-up si Ruffa Gutierrez ng Pilipinas.

Mga kandidata mula sa walumpu't-isang bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Pierce Brosnan at Doreen Morris ang kompetisyon, samantalang sina Miss World 1990 Gina Tolleson at Kim Alexis ang nagbigay ng komentaryo sa buong kompetisyon. Nagtanghal sina George Benson, PJ Powers, Chrissy Caine at Vicky Sampson sa edisyong ito.

Sun City, ang lokasyon ng Miss World 1993

Lokasyon at petsa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Matapos maganap ang Miss World 1992 sa Sun City, nilagdaan ng mga Morley ang isang kontrata sa Sun International upang idaos muli ang kompetisyon sa Palace of the Lost City sa Sun City sa susunod na tatlong taon. Dahil dito, magaganap muli sa Sun City ang kompetisyon hanggang sa taong 1995.

Pagpili ng mga kalahok

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga kalahok mula sa walumpu't-isang bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Tatlong kandidata ang nailuklok matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok.

Dapat sanang lalahok si Silvia Lakatošová ng Eslobakya sa edisyong ito ngunit dahil sa hindi isiniwalat na dahilan, siya ay pinalitan ni Dana Vojtechovska. Hindi rin lumahok si Miss Iceland 1993 Svala Björk Arnardóttir dahil sa hindi isiniwalat na dahilan, at siya ay pinalitan ng kanyang runner-up na si Guðrún Rut Hreiðarsdóttir. Iniluklok ang second runner-up ng Miss Russia 1993 na si Olga Syssoeva dahil hindi umabot sa age requirement ang nagwagi na si Anna Baychik. Si Baychik ay labing-anim na taong-gulang pa lamang.

Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lumahok sa unang pagkakataon ang mga bansang Eslobakya, Litwanya, at Republikang Tseko sa edisyong ito. Bumalik sa edisyong ito ang mga bansang Simbabwe na huling sumali noong 1982, at Honduras na huling sumali noong 1991.

Hindi sumali ang mga bansang Czechoslovakia, Lupanglunti, Peru, Rumanya, Sambia, Seykelas, Ukranya, at Unggarya sa edisyong ito. Hindi sumali ang Czechoslovakia matapos itong mahati sa dalawang bansang Eslobaya at Republikang Tseko. Hindi lumahok si Mónika Patricia Sáez ng Peru sa edisyong ulit dahil sa problema sa pananalapi. Hindi sumali sina Rita Onisca Muresan ng Rumanya at Irina Barabash ng Ukranya dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Kalaunan ay natuklasan na si Barabash ay kasal na at buntis. Hindi sumali ang mga bansang Lupanglunti, Sambia, Seykelas, at Unggarya sa edisyong ito matapos na mabigo ang kanilang organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.

Dapat din sanang lalahok ang Tsina sa unang pagkakataon sa edisyong ito sa katauhan ni Pan Tao Wang-Yin, ngunit hindi ito nagpatuloy dahil sa problema sa kanyang visa. Lumahok si Wang-Yin sa susunod na edisyon.

Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss World 1993 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pagkakalagay Kandidata
Miss World 1993
1st runner-up
2nd runner-up
Top 5
Top 10

Mga Continental Queens of Beauty

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kontinente Kandidata
Aprika
Asya at Oseaniya
Europa
Kaamerikahan
Karibe

Mga espesyal na parangal

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Parangal Nagwagi
Miss Photogenic
Miss Personality
Best National Costume
  • India Indiya – Karminder Kaur-Virk

Pormat ng kompetisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tulad noong 1988, sampung semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng mga paunang aktibidad at mga personal interview. Lumahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang sampung mga semi-finalist. Pagkatapos nito ay pinili ang limang pinalista, at kalaunan ay napili ang limang pinalista na sumabak sa final interview.

Komite sa pagpili

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Final telecast

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Christie Brinkley – Amerikanang modelo
  • Jackie Chan – Aktor, at direktor mula sa Hong Kong
  • Frederick Forsyth – Ingles na manunulat
  • Louis Gossett Jr. – Amerikanong aktres
  • Grace Jones – Hamaykano-Amerikanong modelo at mang-aawit
  • Twiggy – Ingles na modelo at aktres
  • Eric Morley – Tagapagtatag ng Miss World
  • Juliet Prowse – Mananayaw mula sa Timog Aprika
  • John Ratcliffe – Pangulo ng Variety Club International
  • Dali Tambo – Personalidad mula sa Timog Aprika
  • Vanessa Williams – Amerikanang aktres, mang-aawit, at modelo

Mga kandidata

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Walumpu't-isang kandidata ang lumahok para sa titulo.

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan
Alemanya Alemanya Petra Klein 19 Ludwigsburg
Arhentina Arhentina Viviana Carcereri 19 Mendoza
Aruba Aruba Christina van der Berg 18 Noord
Australya Karen Ann Carwin 23 Brisbane
Austria Austrya Jutta Ellinger 23 Viena
New Zealand Bagong Silandiya Nicola Brighty 20 Auckland
Bahamas Bahamas Jacinda Francis 18 Nassau
Belhika Belhika Stephanie Meire 23 Brujas
Venezuela Beneswela Mónica Lei 22 Caracas
Bermuda Bermuda Kellie Hall 22 Southampton
Brazil Brasil Lyliá Virna 18 Maceió
Bulgaria Bulgarya Vera Roussinova 17 Sopiya
Bolivia Bulibya Claudia Arrieta 18 Santa Cruz de la Sierra
Curaçao Curaçao Sally Daflaar 19 Willemstad
Denmark Dinamarka Charlotte Als 22 Copenhague
Ecuador Ekwador Danna Saab 19 Guayaquil
El Salvador El Salvador Beatriz Henríquez 21 San Salvador
Slovakia Eslobakya Dana Vojtechovská 20 Košice
Slovenia Eslobenya Metka Albreht 18 Postojna
Espanya Espanya Araceli García 23 Madrid
Estados Unidos Estados Unidos Maribeth Brown 23 Holliston
Greece Gresya Mania Delou 19 Atenas
Guam Guam Gina Burkhart 18 Sinajana
Guatemala Guwatemala María Lucrecia Flores 24 Lungsod ng Guatemala
Jamaica Hamayka Lisa Hanna 18 Kingston
Hapon Hapon Yoko Miyasaka 22 Tokyo
Gibraltar Hibraltar Jennifer Ainsworth 18 Hibraltar
Honduras Honduras Tania Brüchmann 18 Tegucigalpa
India Indiya Karminder Kaur-Virk 20 Chandigarh
Irlanda (bansa) Irlanda Pamela Flood 22 Dublin
Israel Israel Tamara Porat 18 Tel-Abib
Italya Italya Barbara Chiappini 18 Plasencia
Hong Kong May Lam 20 Hong Kong
Canada Kanada Tanya Memme 22 Toronto
Kapuluang Birheng Britaniko Kapuluang Birheng Britaniko Kaida Donovan 18 Tortola
United States Virgin Islands Kapuluang Birhen ng Estados Unidos Suzanne Palermo 21 St. Thomas
Cayman Islands Kapuluang Kayman Audry Ebanks 20 Grand Cayman
Colombia Kolombya Silvia Durán 23 Bucaramanga
Costa Rica Kosta Rika Laura Odio 19 San José
Croatia Kroasya Fani Čapalija 18 Split
Latvia Letonya Sigita Rude 19 Liepāja
Lebanon Libano Ghada El Turk 21 Keserwan
Lithuania Litwanya Jurate Mikutaitė 21 Kaunas
Iceland Lupangyelo Guðrún Rut Hreiðarsdóttir 19 Reikiavik
Makaw Isabela Pedruco 20 Macau
Malaysia Malaysia Jacqueline Ngu 23 Kuala Lumpur
Malta Malta Susanne-Mary Borg 17 Mosta
Mauritius Mawrisyo Viveka Babajee 20 Beau Bassin
Mexico Mehiko Elizabeth Margain 22 Lungsod ng Mehiko
Namibia Namibya Barbara Kahatjipara[2] 20 Windhoek
Niherya Niherya Helen Ntukidem 22 Lagos
Norway Noruwega Rita Omvik 21 Kongsvinger
Netherlands Olanda Hilda van der Meulen 22 Oudeschoot
Panama Panama Aracelys Cogley 23 Colón
Paraguay Paragway Claudia Florentín 19 Asunción
Pilipinas Pilipinas Ruffa Gutierrez[3] 19 Maynila
Finland Pinlandiya Janina Frostell 20 Kuhmo
Poland Polonya Aleksandra Spieczyńska 19 Breslavia
Puerto Rico Porto Riko Ana Rosa Brito 23 San Juan
Portugal Portugal Ana Luísa Barbosa Moreira 20 Porto
Pransiya Pransiya Véronique de la Cruz 19 Guadalupe
Republikang Dominikano Republikang Dominikano Lynn Marie Álvarez 21 Concepción de La Vega
Republikang Tseko Republikang Tseko Simona Smejkalová 19 Praga
Taiwan Republika ng Tsina Virginia Long 19 Taipei
United Kingdom Reyno Unido Amanda Johnson 19 Nottingham
Rusya Rusya Olga Syssoeva 19 Mosku
Zimbabwe Simbabwe Karen Stally 19 Harare
Singapore Singapura Desiree Chan 20 Singapura
Sri Lanka Sri Lanka Chamila Wickremesinghe 22 Colombo
Eswatini Suwasilandiya Sharon Richards 20 Mbabane
Suwesya Suwesya Victoria Silvstedt 19 Bollnäs
Switzerland Suwisa Patricia Fässler 19 Zürich
Thailand Taylandiya Maturose Leaudsakda 18 Bangkok
South Africa Timog Aprika Palesa Jacqueline Mofokeng 21 Soweto
Timog Korea Timog Korea Lee Seung-yeon 24 Seoul
Trinidad at Tobago Trinidad at Tobago Denyse Paul 23 San Fernando
Chile Tsile Jéssica Eterovic 20 Punta Arenas
Cyprus Tsipre Maria Magdalini Valianti 19 Larnaca
Turkey Turkiya Emel Yıldırım 19 Istanbul
Uganda Uganda Linda Bazalaki 20 Kampala
Uruguay Urugway María Fernanda Navarro 20 Montevideo
  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Requintina, Robert (23 Nobyembre 2021). "Ruffa Gutierrez relives winning moment at 43rd Miss World pageant in Sun City, South Africa". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong 14 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Charges against Barbara Kahatjipara withdrawn". New Era Live (sa wikang Ingles). 24 Setyembre 2014. Nakuha noong 4 Setyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "And the winners are..." Manila Standard (sa wikang Ingles). 23 Marso 1993. p. 1. Nakuha noong 1 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]