Maurice Ravel
Si Joseph-Maurice Ravel (ipinanganak sa Ciboure, Pyrénées-Atlantiques noong Marso 7, 1875 – namatay sa Paris noong Disyembre 28, 1937) ay isang kompositor na Pranses na bukod tanging nakikilala dahil sa kaniyang mga melodiya, orkestral at imga tekstura at mga epekto pang-instrumento. Kasama ni Claude Debussy, isa si Ravel sa pinaka mahalagang tao may kaugnayan sa musikang impresyonista. Ang karamihan sa kaniyang musikang pampiyano, musikang pangtsamber, musikang pangtinig at musikang pang-orkestra ay pumasok sa pamantayang repertoryong pangkonsiyerto.
Ang pangalan ni Ravel ay madalas na iniisip na kasama ng kay Claude Debussy, subalit ang kanilang tugtugin ay talagang lubusang magkaiba. Mahilig sa mga bata at mga hayop si Ravel at ang kaniyang musika ay madalas na tungkol sa mga ito. Mahilig siyang magsulat ng patungkol sa mga kuwento ng mga diwata at ng mga kuwento mula sa malalayong mga lupain. Nagsulat siya ng ilang kaibig-ibig na mga musika na pampiyano, na ang karamihan ay mahirap tugtugin.
Ang mga kumposisyong pampiyano ni Ravel, katulad ng Jeux d'eau, Miroirs, Le tombeau de Couperin at Gaspard de la nuit, ay nangangailangan ng lubos na birtuwosidad mula sa manunugtog, at ang kaniyang musikang pang-orkestra, kasama na ang Daphnis et Chloé at ang kaniyang pagkakaareglo ng Pictures at an Exhibition ni Modest Mussorgsky ay gumagamit ng isang kasamu't-sarian ng mga tunog at instrumentasyon. Marahil si Ravel ay nakikilala nang lalo dahil sa kaniyang akdang pang-orkestra na Boléro (1928), na itinuring niyang tribyal at dating inilarawan bilang "isang piyesa para sa orkestra na walang musika".[1] Ang Boléro ay isang piyesa para sa orkestra na tumatagal nang 17 mga minuto kapag tinugtog. Ang isang maiksing bersiyon ay ginamit ng mga iskeyter sa yelo na sina Torvill at Dean para sa sayaw na nakagawa sa kanila upang maging mga kampeon ng Olimpiko noong 1984.
Ayon sa SACEM, ang estado ni Ravel ay kumita nang mas maraming mga royalty kaysa sinumang iba pang mga kompositor na Pranses.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Kavanaugh 1996, p. 56