Pumunta sa nilalaman

Linyang Ōfunato

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Linyang Ōfunato
Isang KiHa 100 DMU sa Estasyon ng Kesennuma, Oktubre 2006
Buod
UriHeavy rail
LokasyonPrepektura ng Iwate
HanggananEstasyon ng Ichinoseki
Estasyon ng Sakari
(Mga) Estasyon25
Operasyon
(Mga) NagpapatakboJR East
Teknikal
Haba ng linya105.7 km (65.7 mi)
Luwang ng daambakal1,067 mm (3 ft 6 in)
Mapa ng ruta
Line map

Ang Linyang Ōfunato (大船渡線, Ōfunato-sen) ay isang lokal na linyang daangbakal sa Prepektura ng Iwate, Hapon. Pagmamay-ari ito ng East Japan Railway Company (JR East). Orihinal na pinag-uugnay nito ang Estasyon ng Ichinoseki sa Ichinoseki at Estasyon ng Sakari sa Ōfunato, na nasa kahabaan ng Tohoku.

Malawakang nasira ang silangang bahagi ng linya ng lindol at tsunami sa Tōhoku noong 2011 noong Marso 11, 2011. Noong Enero 2012, nagpatuloy ang serbisyo sa kanlurang bahagi ng ruta sa pagitan ng Estasyon ng Ichinoseki at Kesennuma. Nananatiling sarado ang silangang bahagi ng ruta sa pagitan ng Kesennuma at Sakari, at noong Pebrero 2012, opisyal na ipinanukala ng JR East na ang bahaging ito ng linya ay sisirain at ang right-of-way nito ay gagawing ruta ng bus rapid transit (BRT).[1]

Umuugnay ang linya sa Linyang Kesennuma sa Estasyon ng Kesennuma at dating naka-ugnay sa Linyang Minami-Riasu ng pribadong Daangbakal ng Sanriku sa Estasyon ng Sakari sa Ōfunato.

Noong Abril 2005, mayroong 27 serbisyo araw-araw na gumagamit ng linya (14 pasilangan, 13 pakanluran).

Nang mangyari ang sakuna noong 2011, nabawasan ang serbisyo sa sampung lokal na serbisyo pasilangan at isang mabilisang serbisyo na may pangalang Super Dragon, kasama ang siyam na lokal na serbisyo pakanluran at isang mabilisan. Noong Marso 2013, hininto ang mabilisang serbisyo.

Noong Disyembre 22, 2012, sinimulan ang serbisyo ng Pokemon With You sa linya.

Nakasarado ang mga estasyon na may gray na kulay simula nang manalasa ang lindol at tsunami sa Tōhoku noong 2011.

Pangalan Wikang Hapon Layo
sa pagitan ng estasyon (km)
Layo mula sa Ichinoseki (km) Super Dragon (Mabilisan) Paglipat Lokasyon
Ichinoseki 一ノ関 - 0.0 Pangunahing Linya ng Tōhoku, Tōhoku Shinkansen Ichinoseki, Iwate
Mataki 真滝 5.7 5.7 |
Rikuchū-Kanzaki 陸中門崎 8.0 13.7 |
Iwanoshita 岩ノ下 3.8 17.5 |
Rikuchū-Matsukawa 陸中松川 3.8 21.3 |
Geibikei 猊鼻渓 2.0 23.3
Shibajyuku 柴宿 2.8 26.1 |
Surisawa 摺沢 4.5 30.6
Senmaya 千厩 9.2 39.8
Konashi 小梨 3.6 43.4 |
Yagoshi 矢越 4.2 47.6 |
Orikabe 折壁 2.1 49.7 |
Niitsuki 新月 5.6 55.3 |
Kesennuma 気仙沼 6.7 62.0 Linyang Kesennuma Kesennuma, Miyagi
Shishiori-Karakuwa 鹿折唐桑 2.2 64.2
Kami-Shishiori 上鹿折 5.3 69.5
Rikuzen-Yahagi 陸前矢作 10.0 79.5 Rikuzen-Takata, Iwate
Takekoma 竹駒 3.0 82.5
Rikuzen-Takata 陸前高田 2.9 85.4
Wakinosawa 脇ノ沢 2.9 88.3
Otomo 小友 4.5 92.8
Hosoura 細浦 4.3 97.1 Ōfunato, Iwate
Shimofunato 下船渡 3.1 100.2
Ōfunato 大船渡 2.9 103.1
Sakari 2.6 105.7 Linyang Minami-Riasu
  • Isinali mula Ingles na Wikipedia
  1. "被災2路線、廃止しバス専用道提案へ JR東、岩手県に". The Asahi Shimbun Digital (sa wikang Hapones). Japan: The Asahi Shimbun Company. 8 Pebrero 2012. Nakuha noong 11 Marso 2012. {{cite web}}: Unknown parameter |trans_title= ignored (|trans-title= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]