Pumunta sa nilalaman

Lambat sa pangingisda

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Lambat na naylon fishing net na may linyangpalutang line na nakakabit sa maliliit na palutang na plastik

Ang lambat sa pangingisda ay isang lambat na ginagamit sa pangingisda. Tinatawag din ang ilang mga lambat sa pangingisda bilang mga pambitag ng isda, halimbawa dito ang mga lambat na fyke. Karaniwan ang mga lambat sa pangingisda na mga esterlin (o mesh) na nabuo sa pamamagitan ng pagbubuhol ng isang medyo manipis na sinulid. Hinabi ang mga naunang lambat mula sa mga damo, linso (o flax) at iba pang malabuhok na materyal ng halaman. Sa kalunan, ginamit ang bulak. Karaniwang gawa ang mga modernong lambat sa mga artipisyal na polimida tulad ng naylon, bagaman ang mga lambat ng mga organikong polimida tulad ng lana o sutla na sinulid ay karaniwan hanggang sa kamakailan at ginagamit pa rin.

Ang mga lambat sa pangingisda ay malawakang ginagamit sa nakaraan, kabilang ang mga lipunan sa panahong bato. Ang pinakalumang kilalang lambat sa pangingisda ay ang lambat ng Antrea, na natagpuan kasama ng iba pang kagamitan sa pangingisda sa bayan ng Karelian ng Antrea, Pinlandiya, noong 1913. Ginawa ang lambat mula sa wilow, at itinayo noong 8300 BC.[1] Kamakailan, natuklasan sa Korea ang mga pampalubog ng lambat sa pangingisda mula noong 27,000 BC, na ginagawa ang mga ito na pinakamatandang kagamitan sa pangingisda na natuklasan sa mundo.[2] Nagsimula ang mga labi ng isa pang lambat sa pangingisda noong huling bahagi ng Mesolitiko, at natagpuan kasama ng mga pampalubog sa ilalim ng dating dagat.

Ang mga lambat sa pangingisda ay mahusay na naitala noong unang panahon. Lumilitaw ang mga ito sa mga pinta ng libingan ng Ehipto mula noong 3000 BC. Sa sinaunang panitikang Romano, maraming reperensiya si Ovidio sa mga lambat sa pangingisda, kabilang ang paggamit ng mga pampalutang na tapon at pangunang pabigat. Nagmula ang mga larawang ebidensya ng pangingisda ng mga Romano sa mga mosaiko na nagpapakita ng mga lambat. Sa isang imitasyon ng pangingisda, isang uri ng gladyador na tinatawag na retiarius ay armado ng isang tridente at isang lambat na hinahagis. Lalabanan niya ang isang secutor o ang murmillo, na may dalang maikling espada at helmet na may larawan ng isda sa harapan.[3] Sa pagitan ng 177 at 180, sinulat ng may-akdang Griyego na si Opiyano ang Halieutica, isang tulang didaktiko na tula tungkol sa pangingisda. Inilarawan niya ang iba't ibang paraan ng pangingisda kabilang ang paggamit ng mga lambat na hinahagis mula sa mga bangka.

Sa mitolohiyang Nordiko, gumagamit ang higanteng babae sa dagat na si Rán ng lambat upang ibitag ang mga nawawalang mandaragat. Matatagpuan din ang mga pagtukoy sa lambat sa Bagong Tipan. Sinasabing dalubhasa sa paggamit ng mga lambat si Jesu-Cristo. Ang matigas at mahibla na balat ng pawpaw ay ginamit ng mga Katutubong Amerikano at mga naninirahan sa Gitnang-kanluran para sa paggawa ng mga lubid at lambat sa pangingisda.[4][5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Miettinen, Arto; Sarmaja-Korjonen, Kaarina; Sonninen, Eloni; Junger, Högne; Lempiäinen, Terttu; Ylikoski, Kirsi; Mäkiaho, Jari-Pekka; Carpelan, Christian; Jungner, Högne (2008). "The palaeoenvironment of the Antrea Net Find". Karelian Isthmus (sa wikang Ingles). Finnish Antiquarian Society: 71–87. ISBN 9789519057682.
  2. "Cast from the past: World's oldest fishing net sinkers found in South Korea". m.phys.org (sa wikang Ingles).
  3. Auguet, Roland [1970] (1994). Cruelty and Civilization: The Roman Games. London: Routledge. ISBN 0-415-10452-1. (sa Ingles)
  4. Werthner, William B. (1935). Some American Trees: An intimate study of native Ohio trees (sa wikang Ingles). New York: The Macmillan Company. pp. xviii + 398 pp.
  5. Bilton, Kathy. "Pawpaws: A paw for you and a paw for me" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 21 Hulyo 2011.