Pumunta sa nilalaman

Laika

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang Rumanong selyo mula 1959 kasama si Laika (ang kapsyon ay nakasulat na "Si Laika, unang manlalakbay sa kosmos")

Si Laika (1954 – 3 Nobyembre 1957), ay isang babaeng asong husky at kosmonota, at ang unang hayop na umorbit (umikot) sa Daigdig. Ang layunin ng pagpapadal ng isang aso sa kalawakan ay ang upang makapangalap ng dato hinggil sa magiging asal ng mga organismong nabubuhay sa kapaligiran ng kalawakan. Ibinunsod si Laika habang nasa loob ng satelayt na Sputnik 2 noong Nobyembre 3, 1957. Ang Sputnik 2 ay hindi idinisenyong makabalik sa Daigdig. Namatay si Laika habang ang Sputnik 2 ay umoorbit sa paligid ng Daigdig pagkaraang maubos na ang panustos na oksiheno para sa kaniya.[1]:22 Ang impormasyong nakuha magmula sa paglipad na ito sa kalawakan ay humantong sa pagkakatuklas ng mga radyasyong solar (ng araw) at kosmiko.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Furniss, Tim (2001). The History of Space Vehicles. London: Grange Books. ISBN 1-84013-370-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Astronomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.