Elizabeth Blackwell
Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Elizabeth Blackwell | |
---|---|
Talaksan:Si Elizabeth Blackwell.jpg | |
Kapanganakan | 3 Pebrero 1821 Bristol, England |
Kamatayan | 31 Mayo 1910 Hastings, England | (edad 89)
Nasyonalidad | British and American |
Edukasyon | Geneva Medical College |
Trabaho |
|
Si Elizabeth Blackwell ay isinilnag noong 3 Pebrero 1821 – at namatay noong 31 Mayo 1910. Sya ay isang British at American na manggagamot, na kilala bilang unang babae na nakakuha ng medikal na degree sa Estados Unidos, at ang unang babae sa Medical Register ng General Medical Council sa United Kingdom. May mahalagang naging papel si Blackwell sa United States at United Kingdom bilang social reformer, at nanguna sa pagtataguyod ng edukasyon para sa kababaihan sa larangan ng medisina. Ang kanyang mga kontribusyon ay nananatiling ipinagdiriwang bilang Elizabeth Blackwell Medal, ito ay iginagawad taun-taon sa isang babae na gumawa ng malaking kontribusyon sa pagsulong ng kababaihan sa medisina. [1]
Noong una ay hindi interesado si Blackwell sa karera sa larangan ng medisina. Naging guro siya para masuportahan ang kanyang pamilya. Ang trabahong ito ay nakitang angkop para sa mga kababaihan noong 1800s; gayunpaman, hindi nagtagal ay nakita niyang hindi ito angkop para sa kanya. Ang interes ni Blackwell sa medisina ay napukaw matapos na ang isang kaibigan ay magkasakit at sinabi nya na, kung may babaeng doktor sana na nag-aalaga sa kanya, maaaring hindi siya gaanong nagdusa. [1] Nagsimulang mag-aplay si Blackwell sa mga medikal na paaralan at agad na sinimulan na tiisin ang pagtatangi sa kanya dahil sa kanyang kasarian na nagpatuloy sa habang naroon sya sa kanyang karera. Siya ay tinanggihan mula sa bawat medikal na paaralan na kanyang inaplayan, maliban sa Geneva Medical College sa New York, kung saan ang mga lalaking estudyante ay bumoto pabor sa pagtanggap kay Blackwell, kahit na isang biro. [2] [3] Kaya, noong 1847, si Blackwell ang naging pinaka-unang babae na pumasok sa medikal na paaralan sa Estados Unidos. [1]
- ↑ 1.0 1.1 1.2 Maling banggit (Hindi tamang
<ref>
tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang:02
); $2 - ↑ Boomer, Lee. "Life Story: Elizabeth Blackwell".
- ↑ Krasner, Barbara (2018). "Elizabeth Blackwell: Doctor". Cobblestone. 39: 20 – sa pamamagitan ni/ng EBSCO Collection.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)