Ecser
Ecser | |
---|---|
Mga koordinado: 47°26′40″N 19°19′34″E / 47.44437°N 19.32605°E | |
Country | Hungary |
County | Pest |
Lawak | |
• Kabuuan | 13.1 km2 (5.1 milya kuwadrado) |
Populasyon (2001) | |
• Kabuuan | 3,252 |
• Kapal | 248.05/km2 (642.4/milya kuwadrado) |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Postal code | 2233 |
Kodigo ng lugar | 29 |
Websayt | www.ecser.hu |
Ang Ecser ay isang bayan sa Pest county, Hungary, malapit sa Budapest.
Kalagayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Ecser (bigkas [ˈɛʧɛr] o "etser") , kalapit-tunog ng "acher" sa baybay na pang-Ingles) ay mayroon ding pangalang Slovak: Ečer, at mayroon itong Slovakyanong minoridad. Matatagpuan ito sa timog-silangan mula sa Budapest, malapit sa Pandaigdigan Paliparan ng Ferihegy. Kabilang sa mga kalapit-kapitbayan nito ang Maglód, Vecsés, Gyömrő at Üllő. Tumatahak patungo malapit sa bayan ang daan ng saakyang "M0". Matatagpuan ang bayan sa riles ng tren kung magbibiyahe sa linyang 120a (Budapest-Újszász-Szolnok).
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang unang nasusulat na alaala ng Ecser ay mula Disyembre 15 1315, bagaman ang buhay na ang bayan mula pa noong 896, mula nang makarating ang mga Hunggaryo sa kanilang pangkasalukuyang bansa. Ayon sa alaman, nagmula ang pangalan ng bayan sa pagkakabigay dito nito ng Magiting na Prinsipeng ng mga tribong Hunggaryo. Nang magtanong ang prinsipe tungkol sa pangalan ng bayan, hindi makasagot ang mga mamamayan, kung kaya't sinasabi niya sa mga tao na tawagin itong oak [salitang Ingles] (cser sa wikang Hunggaryo). Sa kapanahunan ng Dominasyon ng mga Turko (Ottoman, 1526-1686) unti-unting nawala ang bayan, halos pagkatapos ng pagkagapi ng Buda, na malapit lamang dito. Muling nagbalik ang mga unang naninirahan sa Ecser noon lamang 1699. Noong Digmaan para sa Kalayaan ni Rákóczi (1703-1711) mayroong mga 11 kawal mula sa Ecser. Noong mga unang panahon ng mga 1700, namuhay ang may-ari ng bayan na si Konde Antal Grassalkovich kapiling ng mga Slovakyano.
Mga katangian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang nag-iisang natatanging bantayog ng bayan ay ang Romano Katolikong simbahan mula pa noong 1740.
Mayroon isang sikat na katutubong sayaw ang bayan na Ecseri lakodalmas ("Kasal sa Ecser") kung tawagin.
Makikita ang kodigo ng armas sa simbahan. Ang kodigong ito, ang katutubong sayaw nito, at ang punong oak ang tatlong pinakamahahalagang sagisag ng bayan.
Kambal na bayan ng Ecser
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ito ang mga kambal na bayan ng Ecser: