Pumunta sa nilalaman

Earl Warren

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Earl Warren.

Si Earl Warren (19 Marso 1891 – 9 Hulyo 1974) ay isang mahalagang abogado, gobernador, at punong-hukom sa Estados Unidos.[1] Sa pangkalahatan siya ay itinuturing na isa sa mga pinaka-maimpluwensyang mga hukom ng Korte Suprema at pinuno ng politika sa kasaysayan ng Estados Unidos.[2][3][4][5][6][7]

Ipinanganak siya sa Los Angeles, California, subalit lumaki sa Bakersfield. Nakapag-aral siya ng agham-pampolitika sa Pamantasan ng California, at naging ganap abogado simula noong 1914. Naging attorney-general siya ng California noong 1938. Nakasal siya kay Nina Meyers noong 1925, at nagkaroon sila ng anim na supling. Namatay siya sa Washington, D.C. noong 1974.[1]

Buhay sa politika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bilang isang Republikano, nahalal na gobernador ng California noong 1942. Sa kasaysayan ng California, siya lamang ang kaisa-isang nahalal sa pagka-gobernador ng tatlong beses.[1]

Noong 1953, pinangalanan siyang punong-hukom ng Estados Unidos ni Dwight D. Eisenhower. Kabilang sa mga naging desisyon ng hukuman, sa ilalim ng pamumuno ni Warren, ang hindi pagturing na makatarungan ang paghihiwalay o segregasyon ng mga itim at puting lahi sa mga paaralang pampubliko.[1]

Noong 1963, dahil kay Lyndon B. Johnson, naging pinuno si Warren ng komiteng naatasang mag-suri sa pagkamatay at asesinasyon ni John F. Kennedy. Nakilala bilang Komisyong Warren ang komiteng ito.[1]

Abugado ng lungsod at distrito

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong huling bahagi ng 1918, si Warren ay bumalik sa Oakland, kung saan tinanggap niya ang isang posisyon bilang pambatasang katulong ni Leon E. Gray, isang bagong-nahalal na miyembro ng California State Assembly.

Party Leader ng Estado

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Habang nagpapatuloy na maglingkod bilang abugado ng distrito ng County ng Alameda, lumitaw si Warren bilang pinuno ng estado ng Partido Republikano.

Pamilya at buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, si Warren ay nanirahan kasama ang kanyang kapatid na babae at ang kanyang asawa sa Oakland.

Noong 1934, nanalo si Warren at ang kanyang mga kaalyado ng daanan ng isang panukalang pambato sa estado na nagbago sa posisyon ng Abugado Heneral ng California sa isang buong-panahong tanggapan; ang mga nakaraang tagapamahala ay nagtrabaho ng part-time habang pinapanatili ang kanilang sariling pribadong kasanayan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), nasa wikang Ingles, Grolier Incorporated, 1977, ISBN 0-7172-0508-8
  2. "The 100 Most Influential Figures in American History". The Atlantic (sa wikang Ingles). 2006-12-01. Nakuha noong 2019-09-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Douthat, Ross (2006-12-01). "They Made America". The Atlantic (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-09-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Truman, Harry. "Earl Warren--A Tribute". University of California, Berkeley.[patay na link]
  5. "Earl Warren". California Museum (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-09-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Earl Warren, 83, Who Led High Court In Time of Vast Social Change, Is Dead". archive.nytimes.com. Nakuha noong 2019-09-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Pederson, William D. "Earl Warren". www.mtsu.edu (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-09-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.