Pumunta sa nilalaman

Doktrina

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang doktrina (Latin: doctrina; Ingles: doctrine) ay ang mga simulain o kaya itinuturong mga prinsipyo, teoriya, o paniniwala.[1] Binibigyang kahulugan din ito bilang isang kodigo ng mga paniniwala o "isang katawan ng mga pagtuturo." Sa kadalasan, may ibig sabihin itong ilang mga dogmang panrelihiyon na itinuturo ng Simbahang Kristiyano. Subalit, maaari rin itong mangahulugan na isang prinsipyo ng batas, sa mga tradisyon ng pangkaraniwang batas, na itinatag sa pamamagitan ng kasaysayan ng nakalipas na mga pagpapasya, katulad ng doktrina ng pagtatanggol ng sarili, o ang prinsipyo ng patas na paggamit. Sa mga bagay na kaugnay ng patakarang panlabas o patakarang pangdayuhan, nangangahulugan din ang doktrina bilang isang pangkat ng mga patakarang pundamental o mahahalaga para sa patakaran sa ugnayang panlabas ng isang nasyon. Halimbawa ng ganitong mga doktrina ang Doktrinang Monroe, ang Doktrinang Stimson, ang Doktrinang Truman, ang Doktrinang Eisenhower, ang Doktrinang Nixon, ang Doktrinang Brezhnev, ang Doktrinang Kirkpatrick, at ang Doktrinang Bush.

Paggamit na panrelihiyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kabilang sa mga doktrinang pangpananampalataya ang:

Isang departamento ng Romanong Kurya ay tinatawag na Kongregasyon para sa Doktrina ng Pananampalataya.

Paggamit na pangmilitar

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ginagamit rin ang katawagan sa mga konsepto ng isang matatag na mga hakbang kaugnay ng isang masalimuot na operasyon na pangdigmaan. Ang isang pangkaraniwang halimbawa ay ang doktrinang taktikal kung saan ang isang pamantayang pangkat ng mga maneobra, mga uri ng tropa ng mga sundalo at mga sandata ang ginagamit bilang isang likas na nakatakdang pangharap laban sa isang uri ng pag-atake o paglusob.

Kabilang sa mga halimbawa ng doktrinang militar ang:

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Doctrine - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.