Pumunta sa nilalaman

Girondista

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang mga Girondista sa loob ng Bilangguang La Force pagkaraan ng pagkakadakip sa kanila. Inukit sa kahoy noong 1845.

Ang mga Girondista, na tinatawag ding mga Girondino o Brissotino (Pranses: Girondins, o Brissotins kung minsan) ay isang pangkat na pampolitika sa Pransiya na nasa loob ng Kapulungang Pambatasan (Asambleang Lehislatibo) at ng Kapulungang Pambansa noong panahon ng Himagsikang Pranses. Nangampanya sila para sa pagwawakas ng monarkiya subalit pinigilan nila pagdaka ang lumilikaw na pagbulusok (momentum) ng Rebolusyon. Nagkaroon sila ng hidwaan sa tinatawag na "Ang Bundok" na nakikilala rin bilang ang mga Montagnard, na isang mas radikal na pangkat na nasa loob ng Samahang Jacobin. Ang hidwaang ito ay humantong sa lumaon sa pagbagsak ng mga Girondista at sa pagpatay sa kanila nang maramihan, na naging simula ng Pamumuno ng Sindak (Paghahari ng Sindak). Ang mga Girondista ay isang pangkat ng hindi mahigpit ang pagkakaanib na mga indibidwal sa halip na isang partidong pampolitikang organisado, at, sa una, ang pangalan ay impormal na inilapat sa kanila dahil sa ang pinakabantog na mga tagapagtaguyod ng kanilang pananaw ay mga deputado ng mga Estado-Heneral mula sa kagawaran ng Gironde na nasa timog-kanluran ng Pransiya.

Ang tanyag na dibuhong ipininta na pinamagatang Kamatayan ni Marat ay naglalarawan ng pagpatay na pahiganti ng radikal na tagapamahayag (at tagapagsumbong o denunsiyador ng mga Girondista) na si Jean-Paul Marat, na ipininta ng tagahanga ng mga Girondista na si Charlotte Corday. Ang ilan sa mga bantog na mga Girondista ay sina Jacques Pierre Brissot, Jean Marie Roland at ang kaniyang asawang si Madame Roland. Naging kakampi nila ang Amerikanong Amang Tagapagtatag na si Thomas Paine. Isinagawa ang parusang kamatayan kina Brissot at Madame Roland sa pamamagitan ng gilotina at si Jean Roland (na noon ay nagtatago upang huwag madakip) ay nagpakamatay nang mapag-alaman niya ang naganap. Nadakip si Paine at nabilanggo subalit muntik na niyang matakasan ang pagsasagawa ng parusang kamatayan.


KasaysayanPransiyaPolitika Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan, Pransiya at Politika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.