Artemis
Si Artemis ay isang diyosa ng pangangaso at ng mga maiilap at mababangis na mga hayop sa mitolohiyang Griyego. Kapatid at kakambal siyang babae ni Apollo. Kilala siya sa pangalang Diana sa mitolohiyang Romano. Dahil sa pagkakaugnay ni Apollo sa araw, kalimitang itinuturing o ikinakabit si Artemis sa "buwan" at bilang ang diyosa ng buwan na pinangalanang Selene o Selena sa Griyego o Luna sa Romano.[1][2] Sa mitolohiyang Etruskano, binabaybay ang pangalan niya bilang Artumes.[1]
Batay sa mga paglalarawan sa kaniya, mayroon siyang hawak na balingkinitang pana na binabalahan ng ginintuang mga palaso. Dahil nga diyosa siya ng paninila, mabilis ngunit may kayumian siya sa pagkilos. Mahal niya ang mga kagubatan. Paborito niya ang usa at nagbibigay din ng pagkalinga sa iba pang mga mababangis at maiilap na mga hayop. Siya rin ang tinaguriang dalagang diyosang nagsasanggalang o nagbibigay ng proteksiyon sa mga kabataan ng mundo.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Kleiner, Fred S. at Christin J. Mamiya (2005). "Artemis, Diana, Artumes". Gardner's Art Through the Ages, ika-12 edisyon. Wadsworth/Thomson Learning, Kaliporniya, ISBN 0155050907.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 107 at 235. - ↑ 2.0 2.1 "Artemis, Diana, Goddess of the Moon". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 360.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.