Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Laing

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
20 piraso dahon ng gabi, pinatuyo
2 piraso malalaking niyog, ginadgad
1 tasa maligamgam na tubig
1 kutsara mantika
1 kutsara tinadtad na bawang
½ tasa tinadtad na sibuyas
1 kutsara tinadtad na luya
¼ kilo liempo, hiniwang pakuwadrado
¼ tasa hibe, binabad sa tubig
4 piraso siling labuyo, tinadtad
½ tasa alamang

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Hugasan at tuyuin ang mga dahon ng gabi.
  2. Paghiwalayin ang mga dahon at tangkay.
  3. Tanggalin ang makating bahagi ng mga tangkay.
  4. Hiwaing 1" ng haba ang mga tangkay.
  5. Gataan ang ginadgad na niyog sa maligamgam na tubig.
  6. Sa kawali, painitin ang mantika at igisa ang bawang, sibuyas at luya.
  7. Idagdag ang karne at sangkutsahin.
  8. Isama ang hibe, siling labuyo, alamang at tangkay ng gabi. # Lutuin hanggang lumambot.
  9. Sa bawat dahon ng gabi, maglagay ng isang kutsara ng ginisang mga sangkap.
  10. Ibalot at iayos sa kaserola o palayok.
  11. Ibuhos ang kakang gata.
  12. Lutuin hanggang magmantika ang gata at maluto ang gabi.