Papa Nicolás III
Nicholas III | |
---|---|
Nagsimula ang pagka-Papa | 25 Nobyembre 1277 |
Nagtapos ang pagka-Papa | 22 Agosto 1280 |
Hinalinhan | John XXI |
Kahalili | Martin IV |
Mga detalyeng personal | |
Pangalan sa kapanganakan | Giovanni Gaetano Orsini |
Kapanganakan | c. 1210/1220 Rome, Papal States |
Yumao | Viterbo, Papal States | 22 Agosto 1280
Iba pang mga Papa na mayroon ding pangalan na Nicholas |
Pampapang styles ni Papa Nicolás III | |
---|---|
Sangguniang estilo | His Holiness |
Estilo ng pananalita | Your Holiness |
Estilo ng relihiyoso | Holy Father |
Estilo ng pumanaw | None |
Si Papa Nicolás III (c. 1210/1220 – 22 Agosto 1280) na ipinanganak na Giovanni Gaetano Orsini ang Papa ng Simbahang Katoliko Romano mula 25 Nobyembre 1277 hanggang sa kanyang kamatayan. Siya ay isang maharlikang Romano na nagsilbi sa ilalim ng walong papa. Siya ay ginawang kardinal-deakono ng St. Nicola in Carcere Tulliano ni Papa Inocencio IV, protekto ng mga Pransiskano ni Papa Alejandro IV, Pangkalahatang-Inkisitor ni Papa Urbano IV at humaliling papa kay Papa Juan XXI pagkatapo ang isang anim na buwang pagkabakante ng Banal na Sede na nalutas ng eleksiyon noong 1277 na malaki ay dahil sa impluwensiya ng kanyang pamilya. Sia ay ipinanganak sa prominenteng pamilyang Orsini ng Italya. Siya ang panganak na anak na lalake ng maharlikang si Matteo Rosso Orsini sa unang asawa nitong si Perna Caetani.
Nepotismo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Papa Nicolas III bagaman isang tao ng pagkatuto na kilala sa kanyang kalakasan ng karakter ay kilala sa kanyang malabis na nepotismo. Kanyang itinaas ang kanyang tatlong pinakamalapit na mga kamag-anak sa pagkakardinal at nagbigay sa iba ng mga mahahalagang posisyon. Ito ay tinuya ng parehong si Dante at mga kontemporaryong kartoon na nagpapakita sa kanya sa mga magagarang balabal na may kasamang tatlong "mga munting oso (orsatti na isang pun ng pangalan ng kanyang pamilya) na nakabitin sa ilalim.
Pagpapakita sa Ang Inferno
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Dante sa Ang Inferno (ng Divina Comedia) ay nakikipag-usap kay Nicolas III sa maikling panahon na kinondena na gumugol ng walang hanggang sa Ikatlong Bolgia ng Ikawalang Sirkulo ng Impyerno na inilaan para sa mga nagsagawa ng simonya na krimeng eklesiastikal ng pagbabayad para sa mga opisina o opisina sa hierarka ng simabahan. Sa kuwento ni Dante, ang mga simoniak ay inilagay na una ang ulo s amga butas na ang mga apoy ay nagniningas sa mga talampakan ng kanilang mga paa (Canto XIX). Si Nicolas III ang pangunahing makasalanan sa mga hukay na ito na ipinapakita ng taas ng mga apoy sa kanyang paa. Sa simula ay napagkamalan niya si Dante kay Papa Bonifacio VIII. Nang malinaw ang kalituhan, ipinaalam ni Nicolas III kay Dante na kanyang nakikita ang kapahamakan para simony hindi lamang ni Papa Bonifacio VIII kundi pati ni Papa Clemente V na mas tiwaling papa.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Katolisismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.