Ang Umbria ( /ˈʌmbriə/ UM-bree, Italyano: [ˈumbrja]) ay isang rehiyon sa gitnang Italya. Kabilang dito ang Lawa ng Trasimeno at bumabagtas dito ang Ilog Tiber. Perugia ang kabisera ng rehiyon. May lawak ito na 8,456 km² at populasyong mahigit-kumulang 900,000 tao (2016). Higit na nakararami ang bilang ng mga santong mula sa Umbria kaysa sa anupang bahagi ng daigdig.[4]

Umbria
Rehiyon ng Italya
Watawat ng Umbria
Watawat
Eskudo de armas ng Umbria
Eskudo de armas
Lokasyon ng Umbria
BansaItalya
KabiseraPerugia
Pamahalaan
 • PanguloDonatella Tesei (LN)
Lawak
 • Kabuuan8,456 km2 (3,265 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2016-05-31)
 • Kabuuan889,001
 • Kapal110/km2 (270/milya kuwadrado)
DemonymItalyano: Umbro (lalaki)
Italyano: Umbra (babae)
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
kodigong ISO 3166IT-55
GDP (nominal)€22.5 bilyon (2018)[1]
GDP bawat kapita€25,400 (2018)[2]
HDI (2018)0.884[3]
napakataas · ika-12 ng 21
Rehiyon ng NUTSITE
Websaytregione.umbria.it

Nakilala ang rehiyon sa burol, bundok, lambak, at makasaysayang bayan tulad ng sentrong unibersidad ng Perugia, Assisi, isang Pandaigdigang Pamanang Pook na naiuugnay kay San Francisco ng Assisi, Terni, Norcia, Città di Castello, Gubbio, Spoleto, Orvieto, Todi, Castiglione del Lago, Narni, Amelia, at iba pang maliliit na mga lungsod.

Heograpiya

baguhin

Napapaligiran ang Umbria ng Toscana sa kanluran at hilaga, Marche sa silangan at Lazio sa timog. Bahagyang maburol at mabundok, at bahagyang patag at mayabong dahil sa lambak ng Tiber, kabilang sa topograpiya nito ang gitnang Kabundukang Apenino, at may pinakamataas na punto sa rehiyon ng Monte Vettore sa hangganan ng Marche, na nasa 2,476 metro (8,123 talampakan); ang pinakamababang punto ay sa Attigliano, na nasa 96 metro (315 talampakan). Ito ang natatanging rehiyong Italyano na walang baybay-dagat o karaniwang hangganan sa ibang bansa. May exclave o teritoryong nakahiwalay ang komuna ng Città di Castello na may pangalang Ruperto sa loob ng Marche. Nasa loob ng Umbria ang hamlet (nayon) ng Cospaia, na naging maliit na republika mula 1440 hanggang 1826, na nalikha sa pamamagitan ng aksidente.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Eurostat - Tables, Graphs and Maps Interface (TGM) table". Ec.europa.eu (sa wikang Ingles). Nakuha noong 11 Mayo 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Regional GDP per capita ranged from 30% to 263% of the EU average in 2018" (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Ingles). ec.europa.eu. Nakuha noong 1 Setyembre 2020.{{cite nilabas sa mamamhayag}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Sub-national HDI - Area Database - Global Data Lab". Hdi.globaldatalab.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-09-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Francesco’s Italy: From Top to Toe. BBC World (sa Ingles)