Ang palayaw ay kadalasang maikli, maligsi, maganda, minamaliit o kaya pamalit sa totoong pangalan ng isang tao, lugar o bagay (halimbawa Berting para sa pinaigsing Roberto). Bilang kaisipan, iba ito sa alyas at pangalang pang-entablado. Kadalasang impormal ang pagtawag sa isang tao sa kanyang palayaw.[1]

"I, Jimmy Carter..." (Ako si Jimmy Carter): Nanumpa si James Earl Carter bilang Pangulo ng Estados Unidos gamit ang kanyang palayaw na "Jimmy" noong Enero 1977.

Tinawag din ito na pangalawang pangalan na hindi rehistrado sa Sertipiko ng Kapanganakan. May mga taong mayroong palayaw, mayroon din namang may higit sa iisang palayaw. Si Jose Rizal, tinuturing na bayani ng Pilipinas ay mas kilala sa palayaw na Pepe.

May mga palayaw na tinatawag sa tao na hindi pinili ng mismong taong tinatawag. May ilang palayaw na mapanlait.

Sa mundo ng kompyuter

baguhin

Sa konteksto ng teknolohiyang pang-impormasyon, karaniwan ang palayaw na kasingkahulugan ng screen name (o pangalang pang-iskrin) o handle ng isang tagagamit o user. Sa mga network ng kompyuter, naging karaniwan na nakasanayan para sa bawat tao na magkaroon ng isa o higit pa ng mga palayaw, para sa pagsasaalyas, upang maiwasan ang kalabuan, o dahil napakahaba na imakinilya o i-type o maraming espasyo ang makukuha sa iskrin ang natural na pangalan o adres na teknikal.

Ang alias o alyas ay salita o lipon ng mga salita na tumuturing sa isang tao o bayan. Tinatawag din itong balatkayong pangalan, bansag, o taguri.[2] May pagkakataon na ang alyas ay tinatawag din o kasingkabuluhan ng salitang palayaw. Bagaman, isa itong kathang-isip na pangalan na kinuha ng isang tao para sa isang partikular na layunin, na iba sa orihinal o tunay na pangalan.[3][4] Iba rin ito mula sa isang bagong pangalan na buo o legal na pinapalitan ang sariling pangalan. Maraming tao na gumagamit ng alyas ay ginagawa ito dahil nais nilang huwag makilala, subalit mahirap itong makamit at kadalasang punong puno ng mga isyung legal.[5]

May mga gumagamit ng alyas para sa kriminal na aktibidad. Kaya, popular ang mga ganitong tema sa pelikulang Pilipino o palabas sa telebisyon na tumatalakay sa mga bidang kriminal tulad ng sa mga pelikulang Alyas Pogi na pinabidahan ni Bong Revilla, at ang seryeng pantelebisyon na Alyas Robin Hood na pinagbidahan ni Dingdong Dantes. Sa batas sa Pilipinas, maaring maging ilegal ang paggamit ng alyas kung gagamitin ito para sa intensyong malisiyoso.[6] Isa sa mga kasong high profile o nabibigyan atensyon ng publiko ay ang kaso ng dating Pangulong Joseph Estrada sa ilegal paggamit niya ng alyas na Jose Velarde na naging susing ebidensya sa pagsasakdal sa kanya[7] at inimbestigahan pagkatapos na mapatalsik siya noong EDSA II.[8] Noong 2009, ibinasura ng Korte Suprema ng Pilipinas ang kaso na ilegal na paggamit ni Estrada ng alyas, at sinabing magiging ilegal lamang ang paggamit ng alyas kapag nakagawaian at publiko ito, at ginamit lamang ito ni Estrada sa pribadong transaksyon. Bagaman, nilinaw ng korte na ang para lamang ang pasya sa kuwestiyon na kung maari bang kasuhan si Estrada ng ilegal na paggamit, at hindi ang legalidad ng paggamit alyas.[9]

Sagisag-panulat

baguhin

Ang sagisag-panulat o nom de plume (bigkas: /nom de plum/), literal na "pangalan sa pluma", sa Pranses, ay ang pangalang ginagamit ng isang may-akda bilang kaniyang pagkakakilanlan maliban sa kaniyang tunay na pangalan.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Costa, Daniel (Setyembre 6, 2022). "Nickname". Britannica (sa wikang Ingles).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. TagalogLang (2022-01-24). "ALYAS: Tagalog-English Dictionary Online". TAGALOG LANG (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-04-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Room (2010, 3).
  4. "pseudonym". Lexico UK English Dictionary (sa wikang Ingles). Oxford University Press. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Agosto 2020.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. du Pont, George F. (2001) The Criminalization of True Anonymity in Cyberspace Naka-arkibo 2006-02-21 sa Wayback Machine. 7 Mich. Telecomm. Tech. L. Rev. (sa Ingles)
  6. "When Do Aliases Violate The Law?". attorney.org.ph (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2024-04-04. Nakuha noong 2024-04-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Nonato, Vince F. (2017-10-26). "Tax court clears Erap on 'Jose Velarde' case". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-04-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Macairan, Evelyn (2022-07-02). "SC allows ombudsman to obtain 'Jose Velarde' bank records". Philstar.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-04-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Erap lusot na sa kasong ilegal na paggamit ng 'alyas'". GMA News Online. 2009-04-16. Nakuha noong 2024-04-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)