Jeremy Bentham
Si Jeremy Bentham ( /ˈbɛnθəm/; 15 Pebrero 1748 OS – 6 Hunyo 1832) ay isang British na pilosopo, hurista, at repormer ng lipunan. Siya ay itinuturing na tagapagtatag ng modernong utilitarianismo. Siya ay naging isang pangunahing teorista ng Anglo-Amerikanong pilosopiya ng batas at isang radikal na pampolitika na ang mga ideya ay nakaimpluwensiya sa pagunlad ng welfarismo. Kanyang itinaguyod ang kalayaang indibidwal at ekonomika, ang paghihiwalay ng simbahan at estado, ang kalayaan ng paghahayag, pantay na karapatan para sa mga kababaihan, ang karapatan sa diborsiyo at pagaalis ng kriminalisasyon ng mga aktong homosekswal.[1] Kanyang itinaguyod ang pagbuwag ng pang-aalipin, ang pagbuwag ng parusang kamatayan at pagbuwag ng parusang pisikal kabilang sa mga bata.[2] Siya ay nakilala rin bilang maagang tagapagtaguyod ng karapatan ng mga hayop.[3] Bagaman malakas siyang pumabor sa pagpapalawig ng mga karapatang pambatas ng indibidwal, kanyang sinalungat ang ideya ng natural na batas at mga natural na karapatan.[4]
Ipinanganak | 15 Pebrero 1748 London, England |
---|---|
Namatay | 6 Hunyo 1832 London, England | (edad 84)
Panahon | 18th century 19th century |
Eskwela ng pilosopiya | Utilitarianism, legal positivism, liberalism |
Mga pangunahing interes | Political philosophy, philosophy of law, ethics, economics |
Mga kilalang ideya | Greatest happiness principle |
Naimpluwensiyahan ni
| |
Nakaimpluwensiya kay
| |
Lagda |
Mga kontribusyon
baguhinUtilitaryanismo
baguhinSi Bentham ay isa sa mga kauna-unahang bumuo ng teoryang sistema ng utilitaryanismo. Mayroon itong dalawang tampok. Una, sinabi ni Bentham na kailangan nating ipagkumpara ang magiging resulta ng ating mga aksyon para malaman natin kung tama ba o mali ang ating mga gagawin. Ang aspetong ito ay mas kilala bilang act-utilitarianism. Pangalawa, kailangan din nating ikonsidera ang mga kasiyahan gayundin sa mga paghihirap na magiging resulta ng ating mga aksyon. Ito rin ay kilala bilang hedonistic utilitarianism.[5] Sa kasalukuyan, si Bentham ay kilala bilang Ama ng Makabagong Utilitaryanismo.[6]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Bentham, Jeremy. "Offences Against One's Self", first published in Journal of Homosexuality, v.3:4(1978), p. 389–405; continued in v.4:1(1978).
- Also see Boralevi, Lea Campos. Bentham and the Oppressed. Walter de Gruyter, 1984, p. 37.
- ↑ Bedau, Hugo Adam (1983). "Bentham's Utilitarian Critique of the Death Penalty". The Journal of Criminal Law and Criminology. 74 (3): 1033–1065. doi:10.2307/1143143.
{{cite journal}}
: Invalid|ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sunstein, Cass R. "Introduction: What are Animal Rights?", in Sunstein, Cass R. and Nussbaum, Martha (eds.). Animal rights. Oxford University Press, 2005, pp. 3–4.
- Francione, Gary. Animals – Property or Persons", in Sunstein and Nussbaum 2005, p. 139, footnote 78.
- Gruen, Lori. "The Moral Status of Animals", Stanford Encyclopedia of Philosophy, 1 Hulyo 2003.
- Benthall, Jonathan. "Animal liberation and rights", Anthropology Today, volume 23, issue 2 Abril 2007, p. 1.
- ↑ Harrison, Ross (1995). "Jeremy Bentham". Sa Honderich, Ted (pat.). The Oxford Companion to Philosophy. Oxford University Press. pp. 85–88. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-01-29. Nakuha noong 2013-08-12.
{{cite book}}
: Unknown parameter|chapterurl=
ignored (|chapter-url=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)- Also see Sweet, William (11 Abril 2001). "Jeremy Bentham". The Internet Encyclopedia of Philosophy.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
- Also see Sweet, William (11 Abril 2001). "Jeremy Bentham". The Internet Encyclopedia of Philosophy.
- ↑ Aliza Racelis (2020), Business Ethics and Social Responsibility, REX Book Store, Inc., p. 63–64
- ↑ Burke, T. Patrick (2008). "Bentham, Jeremy (1748–1832)". Sa Hamowy, Ronald (pat.). Nozick, Robert (1938–2002). The Encyclopedia of Libertarianism. Thousand Oaks, CA: SAGE Publications, Cato Institute. pp. 30–31. doi:10.4135/9781412965811.n220. ISBN 978-1412965804. LCCN 2008009151. OCLC 750831024.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)